Kanina pag dating ng amo ko sa work, ayun bigla ba namang - "Good morning, Lailani," with matching modulation ng voice at jus mio parang hanggang sa kabilang mundo eh rinig na rinig ang boses nya. Di pa dito natapos ang topak ng amo ko, niyakap pa si Weng na para bang close na close sila. Come to think of it, naboljak lang ako ng isang araw dahil lang sa nagtanong ako sa HR ng bagong policy sa insurance namin. Gusto nya kasi secretary ang gagawa nun, eh haller sanay ako na ako ang umaayos sa problema ko at ako ang gagawa ng paraan para makakuha ng impormasyon, hmp!
>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
Pabalik na ako galing sa lunch, bigla ba naman akong tinawag ng amo ko sa opis nya. Syempre akala ko boboljakin na naman ako. Yun lang naman kasi yun eh. Once na tinawag ka nya, ihanda mo na sarili mo, boljak na kasunod nito. Nagulat ako kasi nga, hindi naman ako naboljak. Nagbigay lang ng reminders with chika on the side. Aba, aba, aba..... na-chorva siguro to kagabi at maganda ang mood... hmmm.... teka muna.....
>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
Buong araw halos puro Medical Evaluations ang ginagawa ko na usually sa puti lang nya binibigay. Ewan ko madami naman kami bakit sa akin binibigay, siguro sinusubukan ako. Eh di subukan nya, care ko naman! At dahil nga wala naman syang magawa at ginagawa, ayun nagbasa ng mga reports na tapos na. Nung wala naman syang nakitang mali, nagdagdag-bawas ng articles, "a. an, the." Nagwe-wear off na yung mood nya na masaya.
>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
Ending, natapos naman ang araw ng matiwasay. Yun nga lang, mejo mabagal ang processing ng utak ko kanina. Late ko na nare-realize na mali pala ang ginawa ko at pwede ko palang gawin ng mas maayos ang isang bagay kaso di ko naisip.
>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
Habang naghihintay ako ng taxi pauwi, nakita ko na marami ang naghihintay, iba't ibang lahi. Well, hindi naman ako mainipin so mega naghintay talaga ako. May dumating na Pinay, mejo may edad na, may dalang karton, nginitian pa ako, eh di syempre smile back naman ang lola mo baka sabihin suplada ako. Ayun bwisit na bwisit sya sa mga ibang lahi dahil inuunahan sya sa taxi, eh haller mas nauna naman yun. Di nya yata napansin kasi feeling nya sya ang nauna sa lahat ng tao na maghintay ng taxi, ultimo ako na nginitian nya at kabayan nya eh inunahan nya. Kung di lang to matanda, nakutusan ko na to eh!
Buti na lang dumating si Mama Lai at dala nya si Pangcar (Honda Civic nila) at sinakay ako pauwi. Kakakuha lang nya ng lisensya about one week ago. First time kong sumakay sa kanya and I must say, mejo umiral ang pagkainggitera ko at wish ko nagda-drive din ako. Eh sa gusto kong mainggit eh, bakit ba?
>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
Before the day ended, pumunta kami sa haus ni Mai at naki-partey sa birthday ni Lance. Cutie Lance, dinedma naman si Mcxene. Di bale, dinedma rin naman sya ni Mcxene, hehehe...
Nandun din ang mga bruha kong sis. Syempre kwentuhan to the max at kahit late na, lafang pa rin at lafang. In pernes, ang ganda ng muffin cake ni Mai! At ang mga bruha kong sis, nakipag-agawan pa sa loot bag na bigay ni Mai!
At ako eto, 1:43 na ng madaling araw, blog pa ng blog.
Nighty night!
Friday, 10 April 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment